Mariing itinanggi ng Malacañang ang mga kumakalat na balita sa social media na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang dahilan ng pagbabalik ng pamilya Marcos sa kapangyarihan.
Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, taong bayan ang nagluklok kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hindi isang tao lang.
“Ang nagpabalik kay Pangulong Marcos ay ang taumbayan, hindi po iisang tao,” ani Castro.
Dagdag pa niya, mismong si Duterte noon ang nagsabing mahina si Marcos bilang lider.
Samantala, kasalukuyang nakakulong si Duterte sa The Hague, Netherlands, matapos arestuhin ng Interpol at lokal na pulisya noong Marso 11, 2025, para harapin ang kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC). | via Lorencris Siarez | Photo via PCO
#D8TVNews #D8TV