Matagal ng pinangarap, ngayon ay tinutupad na! Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nagsimula na ang pagbebenta ng bigas sa halagang ₱20 kada kilo sa Visayas – katuparan ng kanyang campaign promise.
Sa isang Facebook post ng Pangulo, sinabi niyang, “Iyan ang pangako— at ngayon, sinisimulan na natin ito sa Visayas region.” Ang balitang ito’y kasunod ng closed-door meeting niya kasama ang 12 gobernador ng Visayas.
Ayon kay Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang programang ito ay para sa mga indigent Filipinos o mahihirap na pamilya. Bawat pamilya ay maaaring bumili ng hanggang 10 kilo kada linggo o 40 kilo buwan-buwan.
Planong gawin ng nationwide ang ₱20/kilo rice price kapag naresolba na ang mga isyu sa logistics.
Paliwanag ni Tiu Laurel, bumaba ang presyo ng bigas sa pandaigdigang merkado kaya naging posible ito. Sa ngayon, may 358,000 metric tons ng bigas ang NFA— sapat na para sa mahigit 9 na araw, papalapit na sa target na 15-araw na buffer stock. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA / Robert Oswald P. Alfiler
#D8TVNews #D8TV