Ang Habagat ay patuloy na nagpapadala ng ulan sa malaking bahagi ng Pilipinas, malalakas na pag-ulan sa ilang lugar

Kahit nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang isang bagyo na patungong Southern China, pinalalakas pa rin nito ang habagat na ngayon ay bumubugso ng malalakas na ulan sa malaking bahagi ng bansa, ayon sa PAGASA.

Basang-basa sa ulan ang Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Palawan at Antique — dahil sa monsoon rains na maaring magdulot ng baha at landslide. Sa Metro Manila, CALABARZON, Bicol, Caraga, Davao Region, Pangasinan, at karamihan ng Visayas at MIMAROPA, may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-kulog.

Ang natitirang bahagi ng bansa, asahan pa rin ang panaka-nakang ulan dulot ng habagat at localized thunderstorms.

Babala sa baybaying dagat, sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon at Visayas, may katamtaman hanggang malalakas na hangin at maalon na dagat. Sa ibang lugar, banayad lang ang alon. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *