Amihan, magdadala ng malamig na hangin, pag-ulan sa buong bansa

Makakararanas ng malamig na hangin at mahinang pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa dahil sa northeast monsoon o amihan.

Ayon sa PAGASA, magpapatuloy ang pag-ulan sa Cordillera, Cagayan Valley, CARAGA, Aurora, Quezon, Marinduque, Oriental Mindoro, Camarines Norte at Sur, Northern at Eastern Samar.

Samantala, paminsan-minsang mahinang ulan ang inaasahan sa Metro Manila, iba pang bahagi ng Luzon, Visayas, at hilagang Mindanao.

Ang dating Bagyong Ada, na ngayo’y isa nang low-pressure area, ay namataan 1,155 kilometers silangan ng timog-silangang Luzon at hindi na makakaapekto sa bansa.

Samantala, ang isa pang Low Pressure Area na matatagpuan 2,000 kilometers sa silangan ng Northern Mindanao ay hindi pa inaasahang maging isang bagyo sa loob ng 24 oras.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *