Asahan ang mahinang pag-ulan sa pinakahilagang bahagi ng Luzon ngayong Martes, Mar. 3, dulot ng muling pagbabalik ng northeast monsoon o amihan.
Magdadala ito ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan at pulo-pulong mahinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands.
Mainit at maalinsangan naman ang panahon mula tanghali hanggang hapon sa Metro Manila at ibang bahagi ng bansa dahil sa easterlies.
Inaasahang temperatura para sa mga pangunahing lugar ngayong Martes:
Metro Manila – 25°C to 32°C
Laoag City, Ilocos Norte – 23°C to 31°C
Tuguegarao City, Cagayan – 24°C to 34°C
Baguio City, Benguet – 16°C to 25°C
Tagaytay City, Cavite – 22°C to 29°C
Legazpi City, Albay – 25°C to 32°C
Kalayaan Islands, Palawan – 26°C to 32°C
Puerto Princesa, Palawan – 25°C to 33°C
Samantala, patuloy na binabantayan ng PAGASA ang pagpasok ng tropical storm ‘Caloy’.
Inaasahang mabubuo ang bagyo sa silangang bahagi ng Mindanao at maaaring tumama sa rehiyon ng Caraga, Visayas, o Palawan. | via Kimberly Reyel, D8TV News Intern
