Allies ni Duterte sa drug war, hindi pa rin hinahanap ng Interpol —Palasyo

Nilinaw ng Malacañang na wala pa umano silang natatanggap na anumang abiso mula sa International Criminal Police Organization (Interpol) kaugnay ng mga umano’y warrant of arrest laban sa mga itinuturong kasabwat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, kaugnay ng kasong crimes against humanity na isinampa ng International Criminal Court (ICC) hinggil sa madugong kampanya kontra droga ng kanyang administrasyon.


“Sa ngayon, wala pa po tayong natatanggap na anumang communication kung mayroon na pong warrant of arrest para sa mga co-perpetrators ni dating Pangulong Duterte,” saad ni Palace Press Officer Claire Castro sa isang Malacañang press briefing.


Ito ay kasunod ng ulat kung saan sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na maaaring maaresto ang mga kasamang akusado ni Duterte kung maglalabas ng warrant ang ICC at ito ay sasamahan ng Interpol red notice.


Sa ngayon, tanging ang dating pangulo pa lamang ang naaresto ng ICC dahil sa madugong kampanya kontra droga ng kanyang administrasyon, matapos siyang arestuhin sa airport pagbalik mula Hongkong noong March 11 at siyang inilipad patungong The Hague, Netherlands, at itinurn-over sa ICC Detention Center sa Scheveningen noong March 12 habang hinihintay ang trial ng kanyang kaso.


Isa si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa mga itinuturong kasamang akusado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, bilang dating PNP chief nA pangunahing tagapagpatupad ng kontrobersyal na kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte. | via Clarence Concepcion

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *