Palitan ng piso kada dolyar pumalo na sa sixty pesos! Ito na ang pinakamababang halaga ng pera natin kontra sa US dollar.
Batay sa pinakahuling datos, bumagsak sa ₱60 kada dolyar ang halaga ng piso ngayong Huwebes, na pinakamahina nitong antas sa kasaysayan.
Dulot pa rin ito ng lumalalang tensyon sa Middle East, partikular sa Iran.
Kaninang umaga, umabot sa ₱60.4 kada dolyar ang piso, mas mahina kumpara sa pagsasara nito noong Miyerkules na nasa ₱59.52.
Ayon sa mga ekonomista, ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis ay maaaring magdulot ng mas mataas na inflation at pagbagal ng ekonomiya.
Kaugnay nito, pinag-aaralan ng pamahalaan ang pansamantalang pagsuspinde ng excise tax sa fuel upang mapababa ang presyo ng gasolina at diesel. Tinatayang maaaring bumaba ng hanggang ₱10 kada litro ang gasolina at ₱6 naman sa diesel kung ito ay ipapatupad.
