Alice Guo at pamilya, sinampahan ng patong-patong na kaso ng NBI Bulacan

Nagsampa ng patung-patong na kaso ang NBI Bulacan laban kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping at kanyang pamilya.

Nahaharap sa 34 counts ng falsification of public documents at 30 counts ng paglabag sa Anti-Dummy Law ang mga ito dahil sa pamemeke ng mga dokumento para sa pagtatayo ng negosyo at pagbili ng mga ari-arian sa Marilao, Bulacan.

Kasama sa inireklamo sina Sheila Guo o Mier Zhang at Seimen Guo at Li Wen Yi.

Bukod dito, karagdagang 6 counts ng falsification of public documents ang isinampa laban kay Alice Guo dahil sa pamemeke ng deed of sale at documentary stamp sa kanyang biniling lupa.

Ayon sa NBI, lumalabas na nagmamay-ari sila ng ilang negosyo sa lugar tulad ng meat shop, slaughter house, embroidery center at iba pa na nakarehistro sa iisang address na binili ni Guo noong 2010 sa halagang P2 milyon.

Samantala, pinuri naman ni NBI Director Jaime Santiago ang mga tauhan ng NBI-Bulacan sa masusing imbestigasyong nagresulta ng karagdagang kaso laban kay Guo at sa kanyang pamilya. | via Alegria Galimba | Photo via PNP-PIO

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *