Alice Guo at 2 pa, ililipat na sa Correctional Institution for Women

Ibinasura ng Pasig City Regional Trial Court ang mosyon ng kampo ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo para manatili sa Pasig City Jail.

Kasunod nito, ililipat na si Guo at dalawang iba pang kapwa nito akusado sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.

Nahatulang guilty sina Guo at walong iba pa sa kasong qualified human trafficking noong November 20.

Pinatawan ang mga ito ng habangbuhay na pagkakakulong at multang aabot sa P2 million, bukod pa sa danyos na babayaran sa kanilang mga biktima.

Tiniyak naman ng Bureau of Corrections ang security measures para sa maayos na paglilipat sa kanila.

Isasailalim ang grupo ni Guo sa quarantine protocol at medical examinations pagdating sa Correctional. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *