Alex Eala, unang Pinoy na nakapasok sa Top 50 Tennis world ranking

Muling lumikha ng panibagong kasaysayan si Eala para sa Philippine Tennis Association matapos niyang maabot ang ika-50 pwesto sa Women’s Tennis Association (WTA) na maituturing isang magandang pagtatapos para sa WTA Season.

Nakapagtala si Eala ng 1,143 puntos dahilan upang makabilang siya sa hanay ng mga nangungunang manlalaro sa tennis sa buong mundo.

Ito rin ang nagbunsod upang muling makabalik ang national team ng Pilipinas para sa ika-33 Southeast Asian Games na gaganapin sa Thailand sa susunod na buwan.

Kasama sa makasaysayang season ni Eala ang pagkapanalo niya ng unang WTA title sa Guadalajara Open sa Mexico noong Setyembre.

Nagsimula si Eala sa ika-158 na pwesto at kalaunan ay nakasama na sa Top 100 kalagitnaan ng season, dahilan upang makasama siya sa lahat ng laro na main draw maliban sa isang Grand Slam.

Noong nasa ika-75 pwesto naman siya, naitala ni Eala ang isang kamangha-manghang 6-3, 2-6, 7-6(11) na pagkapanalo laban sa World No.15 na si Clara Tauson ng Denmark, dahilan upang siya ang tanghalin bilang kauna-unahang Filipina na nanalo sa anumang Slam sa main draw. | via Anne Jabrica

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *