Alex Eala umangat sa ika-75 na pwesto sa WTA rankings

Pinay tennis sensation Alex Eala umakyat sa ika-75 puwesto sa WTA rankings matapos ang makasaysayang kampanya sa 2025 Miami Open!
Mula sa pagiging wild card, tinalo niya ang tatlong Grand Slam champions bago bumagsak sa semifinals laban kay World No. 4 Jessica Pegula sa isang dikdikang laban.
Dahil sa kanyang stellar performance, sigurado na ang kanyang puwesto sa lahat ng apat na Grand Slam main draws!
Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Eala: “The real work starts.”
Sa tournament, pinatumba niya ang World No. 25 Jelena Ostapenko, World No. 5 Madison Keys, at World No. 2 Iga Swiatek—isang napakalaking tagumpay para sa 19-anyos na Pinay.
Siya ang kauna-unahang Pilipino na umabot sa semis ng WTA 1000 at nakatalo ng dalawang top 5 players sa isang tournament. | via Lorencris Siarez | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *