Nagpakitang-gilas ang Pinay tennis ace na si Alex Eala matapos pulbusin si Shihomi Leong ng Malaysia, 6-3, 6-1, sa women’s singles ng 2025 Southeast Asian Games sa Nonthaburi, Thailand.
Unang pagsalang pa lamang ni Eala sa Thailand SEA Games, agad na ipinamalas nito ang kanyang world-class game, dahilan para mabilis na talunin ang Malaysian.
Susunod na haharapin ni Eala ang hometown bet na si Thasaporn Naklo.
Target ngayon ng Pinay star na malagpasan ang kanyang bronze finish noong 2021 SEA Games sa Hanoi.
Sa kasalukuyan, may isang bronze medal na siya mula sa team event, kung saan kabilang siya sa koponang ginawaran kahit hindi siya nakalaro.
Samantala, sa pinakabagong medal tally sa Day 5 ng Thailand Games, nasa top 6 ang Pilipinas na may 25 gold, 37 silver at 80 bronze medals sa kabuuang 142 na medalya. | via Ghazi Sarip
