Alex Eala, pasok sa Round of 16 ng Jingshan Tennis Open

Nagpakitang-gilas muli si Alex Eala matapos talunin si Aliona Falei ng Belarus sa straight sets, 6-3, 7-5, upang makapasok sa Round of 16 ng Jingshan Tennis Open sa China.

Mula sa unang serve pa lang, ipinakita ng 20-anyos na Filipina tennis sensation ang kanyang composure at matibay na opensa.

Pinahirapan man ni Falei ang laban sa ikalawang set, nanatiling agresibo at consistent si Eala hanggang sa tuluyang makuha ang panalo.

Patunay ito na patuloy ang pag-angat ni Eala sa international tennis scene, dala ang pangalan ng Pilipinas sa bawat laban.

Susunod na haharapin ni Eala ang kanyang makakatunggali sa Round of 16, at todo suporta ang mga Pinoy fans sa kanyang kampanya. | via Lorraine Dionela, D8TV News | Photo via Alex Eala/Facebook

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *