Alex Eala, pasok sa quarterfinals ng Abu Dhabi Open matapos ang come-from-behind win

Mula one set down, nakabawi ang Filipina tennis sensation na si Alex Eala sa dalawang kasunod na set para talunin ang Belarusian na si Aliaksandra Sasnovich sa Mubadala Abu Dhabi Open.

Dahil sa kanyang 2-6, 6-4, at 7-5 na score line, pasok na si Eala sa quarterfinals ng WTA 500 tournament.

Mukhang tagilid na ang laban ni Eala sa third set nang maungusan ito ng 0-4 ni Sasnovich pero nag-rally si Eala para matabla ang iskor sa 5-all at umabot sa tiebreak ang laro.

Sa tie-break, muling napunta sa alanganin si Eala, 4-5, bago tuluyang Manalo.

Naging emosyonal naman ang selebrasyon, kapiling ang libo-libo nating kababayan sa Abu Dhabi.

Kasalukuyang World No. 45 si Eala, habang ika-104 naman si Sasnovich sa WTA rankings. Sa quarterfinals, haharapin ni Eala ang World No. 11 na si Ekaterina Alexandrova ng Russia. | via Jason Saguin, D8TV News Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *