Matapos ang kanyang maagang exit sa Australian Open, sasabak agad sa Abu Dhabi Open ang Filipina tennis sensation na si Alex Eala.
Una nang nakalista si Eala bilang qualifier sa torneo pero binigyan ito ng wild card ng organizers ng WTA 500 tournament para makapasok sa main draw.
Agad na gaganapin ang Abu Dhabi Open matapos ang Philippine Women’s Open na tatakbo mula January 26 hanggang 31.
Kasama sa main draw sa Abu Dhabi ang defending champion na si Belinda Bencic.
Patuloy ang abalang simula ng taon para kay Eala matapos pumasok sa semis ng ASB Classic sa New Zealand, pagkapanalo sa Kooyong Classic sa Melbourne, at main draw debut sa Australian Open. | via Judea Bernardo
