Alex Eala No. 54 sa buong mundo, susunod na lalaban sa Japan Open

May bagong career-high ranking si Alex Eala sa world tennis—No. 54! Pero bago sumabak muli sa laban, nagre-relax muna siya sa Wuhan, China bago ang Japan stint niya next week, kung saan target niyang masungkit ang ikalawang pro title at mapasok sa Top 50 for the first time.


Kahit maagang natanggal sa Wuhan Open qualifiers matapos matalo kay Moyuka Uchijima ng Japan, hindi nasayang ang effort ni Eala dahil tumaas pa rin ang ranking niya mula No. 58, bitbit ang 1131 points. Kasama siya sa seeded players ng WTA250 Japan Open sa Osaka ngayong Lunes, kung saan makakasabayan niya sina Leylah Fernandez at Naomi Osaka.


Sunod-sunod ang laban para kay Eala—susunod niyang tournaments ay sa Guangzhou Open (Oct 20–26) at Hong Kong Open (Oct 27–Nov 2).


Matindi ang Asian swing niya: semifinalist sa Jingshan Open, quarterfinalist sa Suzhou Open, at champion dati sa WTA125 Guadalajara Open sa Mexico. Dagdag pa, siya ang kauna-unahang Filipina na nanalo sa main draw ng US Open.


Pagkatapos ng mga laban abroad, inaasahan siyang lalaban muli para sa bansa sa 33rd SEA Games sa Thailand ngayong Disyembre, at posibleng makita rin siya sa Manila Open sa 2026—isang bagong leg ng WTA Tour dito mismo sa Pilipinas. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *