Alex Eala, mas mabigat ang makakasagupa Abu Dhabi Open

Matapos ang kanyang maagang exit sa Philippine Women’s Open, sasabak naman sa Mubadala Abu Dhabi Open ang Filipina Tennis Star na si Alex Eala.

Nakatanggap ng wild card si Eala para sa WTA 500 event, kasunod ng malaking atensyong natanggap niya sa Australian Open, kung saan dagsa ang mga tagahangang pumila nang ilang oras upang mapanood ang kanyang unang round match laban kay Alycia Parks.

Sa inilabas na draw ng torneo, mapupunta si Eala sa bottom half at makakaharap sa unang round ang Turkish tennis player na si Zeynep Sonmez.

Bagama’t malayo ang agwat sa ranking ni Sonmez kay Eala, inaasahang magiging mahirap ang laban dahil sariwa si Sonmez mula sa isang breakout performance sa Australian Open, kung saan umabot ito sa 3rd round. | via Jason Saguin, D8TV News Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *