Alex Eala, makakasagupa Si Alycia Parks sa Australian Open main draw debut

Nakakuha ng mabigat na unang kalaban si Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala sa kanyang kauna-unahang paglahok sa main draw ng Australian Open.

Makakatapat ni Eala ang Amerikanang si Alycia Parks, na kasalukuyang ranked number 100 ng Women’s Tennis Association. Si Parks ay umabot na sa career-high ranking na number 40 noong 2023.

Para naman kay Eala, ito ang unang pagkakataon na makapasok siya sa main draw ng Australian Open, matapos na makalaro sa main draw ng tatlo pang Grand Slam tournaments.

Mainit ang laro ni Eala bago ang torneo, matapos siyang umabot sa semifinals ng ASB Classic sa New Zealand at talunin si Donna Vekic sa isang exhibition match sa Kooyong Classic.

Mahalaga rin ang kanyang kampanya sa Australian Open dahil maaaring maapektuhan nito ang kanyang paglahok sa Philippine Women’s Open sa January 26, na kasabay ng ikalawang linggo ng Grand Slam. | via Judea Bernardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *