Alex Eala, maagang nalaglag sa Japan Open

Maagang natapos ang kampanya ni Alexandra “Alex” Eala sa Japan Open matapos matalo kay Tereza Valentova ng Czech Republic, 1-6, 2-6, nitong Martes sa Osaka.


Nang maunahan si Eala ng 0-4 sa unang set, tuloy-tuloy nang nakuha ni Valentova ang momentum hanggang makapasok ito sa Round of 16 ng WTA 250 tournament.

Bagama’t nakapigil pa si Eala ng isang match point sa ikalawang set, agad siyang nabasag sa serbisyo at natapos ang laban sa loob ng isang oras at 29 minuto.


Hindi pa tapos ang season ni Eala sasabak pa siya sa Guangzhou Open sa China sa Oktubre 20 hanggang 26 at Hong Kong Open naman sa Oktubre 27 hanggang Nobyembre 2.


Bago ang Japan, naglaro din siya sa China kung saan umabot siya sa semifinals ng Jingshan Open, quarterfinals ng Suzhou Open, at natalo sa unang round qualifiers ng Wuhan Open. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *