Sa isang makapigil-hiningang three-set match, nabigo ang Filipina tennis star na si Alex Eala kontra sa dating Wimbledon champ na si Marketa Vondrousova ng Czechia, 6-3, 1-6, 2-6, nitong Lunes ng umaga (oras sa Maynila).
Maganda ang panimula ni Eala nakuha niya ang first set matapos ang 3-all deadlock. Pero sa sumunod na dalawang set, umarangkada si Vondrousova, tinapos ang second set sa 6-1 at dominado rin ang third set.
Bitbit ang injury may tape sa kaliwang balikat at nag-timeout sa third set hindi na nakabawi si Eala.
Bagamat mas maraming panalo (30) si Eala kaysa sa kalaban (27), natalo siya sa unforced errors: 29 kumpara sa 16 ni Vondrousova. Zero aces rin si Eala kontra sa pitong paasa ni Vondrousova.
Pahayag ng Czech: “Inaasahan ko nang magiging mahirap ang laban. She’s very aggressive. Buti na lang, gumanda serve ko sa 2nd at 3rd set.”
Sa Cincinnati Open ang next stop ni Eala sa susunod na buwan. | via Allan Ortega | Photo via AFP/Glyn Kirk
#D8TVNews #D8TV