Sa tennis, muling nagpakitang-gilas ang pambato ng Pilipinas na si Alex Eala matapos makalusot sa semifinals ng Guadalajara Open sa Mexico.




Matapos maantala ng ulan ang laban, bumangon si Eala kontra beteranang si Varvara Lepchenko mula US. Sa iskor na 6-7, 7-6, 6-3, pinatunayan niya ang tibay ng kanyang laro.
Hindi pa roon nagtapos, ilang oras lang matapos ang kaniyang comeback, muling sumabak si Eala at tinalo ang Italyana na si Nicole Fossa Huergo, 7-6, 6-2, para tuluyang makapasok sa semifinals.




Ranked No. 75 sa mundo at second seed sa torneo, kinailangan ni Eala ng panibagong tiebreak pero agad na sinelyuhan ang panalo sa dalawang set.
Susunod niyang makakaharap ang Amerikanang si Kayla Day sa semifinals, Sabado ng madaling-araw, oras sa Maynila.
Nais ni Eala na muling makapasok sa finals at makuha ang kanyang unang WTA championship title, matapos maging runner-up sa Eastbourne Open noong Hunyo.
Ang Guadalajara Open ang unang torneo ni Eala mula nang mag-exit siya sa US Open, at kasunod nito ay lalaban din siya sa Sao Paulo Open sa Brazil simula Setyembre 8.
Isang patunay na walang makakapigil sa determinasyon ng Pinay tennis star! | via Ghazi Sarip, D8TV News | Photo via Alex Eala/IG
#D8TVNews #D8TV