Pinalaya na mula sa Cebu City Jail si Albuera, Leyte Mayor Kerwin Espinosa matapos bawiin ng Cebu Regional Trial Court (RTC) Branch 14 ang warrant of arrest laban sa kanya.
Ito ay sa kasong murder noong 2024 sa Leyte.
Bukod kay Espinosa, nakalaya rin ang dalawa pang kapwa-akusado sa kaso na pawang mga sumuko sa awtoridad noong February 5.
Napag-alaman kasi ng korte na walang hurisdiksyon ang kaso dahil hindi sa Cebu City naganap ang krimen.
Nakasaad kasi sa impormasyong inihain ng prosekusyon na naganap ang umano’y pagpatay sa Barangay Zone 10, Albuera, Leyte.
Kasabay nito, kinansela na rin ang nakatakda sanang pagdinig sa mga akusado bukas, February 13. | via Alegria Galimba
