Alas women, target tuldukan and 20-year podium drought sa Sea Games

Naghahangad ang Alas Pilipinas, o ang Philippines women’s national volleyball team na wakasan ang dalawang dekadang podiumless streak sa SEA Games Volleyball tournament.

Matapos ang makasaysayang silver finish ng Alas sa AVC Nations Cup 2025, iminungkahi ni Philippine National Volleyball Federation (PNVF) President Ramon ‘Tats’ Suzara ang kagustuhan nitong ipagpatuloy ang magandang ipinapakita ng pambansang koponan hanggang sa SEA Games sa Disyembre.

“Of course, the main target for the Alas women’s this year is the SEA Games, which is not really in the calendar of the FIVB,” ani ni Suzara. “We’re working hard, and every day we keep on improving from any learning experience in every competition,” dugtong pa niya.

Nagmungkahi naman si Alas captain at setter Jia Morado-De Guzman ang posibilidad na pumantay ang Alas sa lebel ng paglalaro ng bansang Vietnam at SEA powerhouse Thailand.

“We just have to stick to the program, because if we do, I have no doubt that one day, we will reach that level also. Hindi naman porket nauuna sila, hindi na sila mahahabol,” paglalahad ni De Guzman. “They recognized that the Philippines is growing, and we have to take advantage of that fact, kasi the fact that they are saying that, it means we’re starting to become a threat,” giit pa niya.

Ibinunyag naman ni Alas head coach Jorge Souza De Brito na bubuuin ng kasalukuyang 25 training pool players ang 14-man lineup na ipadadala sa darating na SEA Games.

“We have a core already of 25 players, and these 25 are the guys we’re going to keep,” wika niya.

Bago ang SEA Games, muling makahaharap ng Alas Pilipinas ang Vietnam sa darating na VTV Cup sa June 27–July 4, at ang Thailand, Indonesia, pati na rin ang Vietnam sa SEA V.League ngayong Agosto. | via Clarence Concepcion | Photo via Alas Pilipinas Volley/Facebook

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *