Alas Pilipinas target ang Round of 16 matapos manalo sa World Championship

Matapos ang makasaysayang unang panalo sa FIVB Volleyball Men’s World Championship, susubukan ng Alas Pilipinasna makapasok sa Round of 16 kontra sa world No. 16 Iran ngayong Huwebes, 5:30 p.m., sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Pinangunahan nina Bryan Bagunas, Leo Ordiales, at Marck Espejo ang koponan sa kanilang 3-1 panalo laban sa African champion Egypt noong Martes. Sa panalong ito, umakyat ang Pilipinas mula world No. 88 tungo sa No. 77.

Si Bagunas ay bumida ng 25 puntos laban sa Egypt at naniniwalang kaya nilang makipagsabayan sa malalakas na koponan. “I believe we can go really far… we’re capable of giving our best,” ani ng team captain.

Makakatapat nila ang Iran na pinangunahan nina Poriya Kandzadeh na may 21 puntos at Morteza Sharifi na may 18 puntos sa kanilang panalo kontra Tunisia.

Ayon naman kay Espejo, susubukan nilang dalhin ang kumpiyansa mula sa kanilang unang panalo: “We’ve got nothing to lose. That win really boosted our confidence.” | via Lorraine Dionela, D8TV News | Photo Courtesy to Team Alas Pilipinas 2.0/Facebook

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *