Akbayan, kinuwestiyon ang pagtanggi ni VP Sara na linawin ang pagkakakilanlan ni “Mary Grace Piattos”

Tinuligsa ng Akbayan Party-list ang pagtanggi ni Vice President Sara Duterte na linawin ang pagkakakilanlan ni “Mary Grace Piattos,” kaugnay ng mga umanong iregularidad sa mga dokumento.

Ayon kay Akbayan Party-list President Paeng David, naunang umanong inihayag ng kampo ng bise presidente na handa itong magpaliwanag ngunit ngayon ay tumatanggi na itong sagutin kung sino si Mary Grace Piattos.

Giit ng Akbayan, posibleng hindi maiharap ang naturang personalidad dahil mas lalo lamang umanong mabubunyag ang sinasabing manipulasyon o “hocus pocus” sa mga dokumento.

Binigyang-diin ng grupo na hindi maiiwasan ang pananagutan at kailangang humarap ang Bise Presidente sa taumbayan upang sagutin ang mga ebidensyang inihaharap laban sa kanya.

Dagdag pa ng Akbayan, patuloy nilang itutulak ang paniningil ng accountability at iginiit na walang tiwaling opisyal ang dapat makaligtas sa pananagutan. | via Judea Bernardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *