Opisyal nang inilunsad ng Air Canada ang kanilang bagong direktang biyahe mula Vancouver patungong Manila noong Abril 3. Ang inaugural flight na AC017 ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport bandang 6:04 a.m.
Ayon kay Mark Galardo, Executive Vice President ng Air Canada, sila ang natatanging airline mula Canada na may direktang ruta sa Pilipinas. Aniya, malaking tulong ito para sa mahigit isang milyong Pilipinong naninirahan sa Canada na nais bumisita sa kanilang pamilya, magbakasyon, o magnegosyo.
Ang bagong ruta na ito ay bahagi ng pinalawak na transpacific network ng Air Canada mula Vancouver, na kinabibilangan ng Japan, South Korea, China, Hong Kong, Thailand, Singapore, Australia, at New Zealand.
May espesyal na promo ang Air Canada para sa mga flight mula Manila patungong Canada hanggang Abril 10, 2025. Para sa detalye, bisitahin ang aircanada.com o kumonsulta sa inyong travel agent. | via Lorencris Siarez | Photo via nationalpost.com
#D8TVNews #D8TV