Batay sa pagsusuri ng artificial intelligence ng grupong 3RDEY3 (@3RD_AI_) na inilathala sa social media platform na X, may posibilidad na hindi makapasok sa Magic 12 si Makati Mayor Abby Binay sa darating na senatorial race.
Ayon sa kanilang AI model, nasa pagitan ng ika-11 hanggang ika-14 na puwesto ang tiyansa ni Binay, kaya’t puwede pa rin siyang matalo kung lalakas ang ibang kandidato.
“Our AI model predicts medium chances of her winning ranking between 11-14,” saad ng 3RDEY3.
Ginamit ng grupo ang data mula sa social media upang sukatin ang public sentiment. Sinuri nila ang dami ng positibo, negatibo, at neutral na reaksyon sa mga posts tungkol kay Binay.
Bagamat may 40% positive sentiment si Binay bilang alkalde ng Makati, lumalabas din ang 30% negative at 20% neutral sentiment sa kabuuang social media mentions niya. Kadalasan, ang mga negatibong komento ay kaugnay ng kanyang mga pahayag sa ibang politiko at ang legacy ng kanyang pamilya.
“Like many politicians, Abby Binay faces criticism particularly in relation to her comments on other political figures and her family political legacy,” ayon sa AI group.
Lumabas din sa pagsusuri na 40% ng mga usapin tungkol kay Binay ay tumatalakay sa kanyang pamumuno sa Makati, habang 20% naman ay nakatuon sa kanyang family background at political alliances — kabilang na ang kontrobersyal na isyu ng Makati City Hall parking building na una nang binatikos ni dating Sen. Antonio Trillanes IV.
“Negative (30%). Some posts criticize her political strategies and family legacy, which contribute to a negative sentiment,” dagdag ng 3RDEY3.
Dahil dito, itinuturing ng grupo na “moderate” lamang ang chance ni Abby Binay na makakuha ng Senate seat:
“Her strong political alliances and achievement as mayor contribute positively, but criticism and controversies may impact her overall appeal,” paliwanag nila.
Ang 3RDEY3 ay isang AI-driven account na nakabase sa San Francisco, California, at nagsimula sa X noong Pebrero 2024. Sa kasalukuyan, mayroon itong 1,277 followers, kabilang na ang ilang lokal na social media influencers.
#D8TVNews #D8TV