Umabot na sa 7,092 ang bilang ng aftershocks ngayong Lunes nang umaga, October 5, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Kasunod ito ng mapaminsalang magnitude 6.9 na lindol sa Bogo City, Cebu noong September 30.
Ayon sa 8:00 AM update ng PHIVOLCS, 31 sa mga aftershocks nito ay umabot sa lakas na magnitude 5.1.
Nilinaw naman ng PHIVOLCS na ang dami ng bilang o frequency ng aftershocks per day ngayon ay nababawasan na. | via Kai Diamante
