Masaya at makulay ang naging pagbubukas ng AFP Civilian Human Resource Sportsfest 2025 sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Daan-daang civilian personnel mula sa Philippine Army, Navy, Air Force at iba’t ibang sangay ng AFP ang nagtipon para ipakita ang pagkakaisa at tibay ng samahan sa kabila ng hamon ng kanilang tungkulin.
Sa grand opening, tampok ang parada ng mga koponan at ang makasaysayang silab ng sulo na sagisag umano ng sportsmanship at pagkakapatiran.
Panauhing pandangal si Commodore Zosimo M. Bolaños Jr. na binigyang-diin ang mahalagang papel ng civilian human resources sa tagumpay ng AFP.
Inilunsad din ang lingguhang paligsahan na kinabibilangan ng basketball, volleyball, at iba pang larong pampalakasan upang palakasin hindi lang ang katawan, kundi maging ang morale at camaraderie ng mga kawani.
Taunang tradisyon na ang AFP Sportsfest, patunay ng pangako ng sandatahang lakas na itaguyod ang resilience, unity, at excellence ng kanilang pwersa, sa loob at labas ng serbisyo. | via Ghazi Sarip
