Kahapon, muling sinubok ang kakayahan ng bansa sa pagtugon sa sakuna sa pamamagitan ng 3rd Quarter 2025 National Simultaneous Earthquake Drill o NSED.
Sa pangunguna ng NDRRMC at sa presensya ni Lt. Gen. Jimmy Larida, Acting Chief of Staff ng AFP, nagsagawa ng malawakang earthquake drill sa Camp Aguinaldo, Quezon City. Tinutukan dito ang mabilis na evacuation, tamang komunikasyon, pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya, at urban search and rescue operations.
Ipinakita ng Armed Forces of the Philippines ang kahandaan nito bilang pangunahing katuwang ng gobyerno sa oras ng kalamidad.
Sa bawat lindol o sakuna, mas ligtas ang bayan kung lahat ay handa. | via Ghazi Sarip, D8TV News | Photo via AFP
#D8TVNews #D8TV
