AFP, nananatiling propesyonal sa kabila ng pamumulitika sa Kalayaan Island Group

Tapat sa mandato at mananatiling propesyonal ang lahat ng kawani ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ang binigyang diin ni AFP Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad kasunod ng mga ingay sa pulitika kaugnay ng Kalayaan Island Group.

Anya, matured ang militar na magpatuloy sa kanilang mandato na protektahan ang bansa sa anumang banta na kakaharapin nito.

Nasa labas man ng Exclusive Economic Zone, kasama pa rin sa tungkulin nila ang bantayan ang Pag-asa island bata sa saligang batas.

Kung saan 1970s pa nagkaroon ng effective occupation ang mga pilipino sa islang nagsisilbing senyor ng munisipalidad ng kalayaan.

Kasunod nito, nagbigay ng babala ang AFP na maaaring pakinabangan ng China ang pamumulitika sa Pag-asa na bahaginumano ng malign influence na pagwatak-watakin ang mga at pahinain ang posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea. | via Allen Ibañez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *