AFP nananatiling matatag sa gitna ng mga isyu sa gobyerno

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na nananatili silang “solid at disiplinado” sa gitna ng mga isyu sa gobyerno kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, ang mga “politically motivated distractions” ay parang static sa radio maingay pero walang nababago sa signal.

Binigyang-diin niya na nakatutok ang AFP sa kanilang pangunahing misyon: protektahan ang mamamayan at siguruhin ang Estado.

Pinabulaanan din niya ang mga usapin ng kudeta, na tinawag niyang bahagi lamang ng mga disinformation campaign.

“Iisa ang AFP, iisa ang Pilipinas. Malakas na AFP, malakas na Pilipinas,” giit ni Padilla. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *