AFP, hindi magpaaapekto sa pulitika

Nanindigan ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas na hindi maaapektuhan sa usaping pampulitika, ‘yan ay kaugnay ng lumabas na resulta ng OCTA Research “Tugon ng Masa” sarbey kamakailan kung saan pito sa bawat sampung Pilipino ang ayaw makialam ang militar sa usaping pampulitika.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, malinaw ang kanilang paninindigan ang tungkulin nila ay protektahan ang sambayanan at ipatupad ang batas, hindi makisawsaw sa pulitika.

Dagdag pa ni Padilla, mas nakatuon ang AFP sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad ng bansa, alinsunod sa mandato ng Saligang Batas.

Samantala, anyo ng pagtataksil sa bayan na itinuturing ng Association of Generals and Flag Officers o AGFO ang anumang tangkang pabagsakin ang pamahalaan o bumuo ng military junta. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *