Access ng publiko sa SALN, binuksan muli ni Ombudsman Remulla

Opisyal nang binuksan muli ng Office of the Ombudsman ang pampublikong access sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ng gobyerno, ayon sa bagong memorandum ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla.


Binabaligtad nito ang dating patakaran ni Samuel Martires noong panahon ni Rodrigo Duterte, na naglimita sa paglabas ng SALN.


Ayon kay Remulla, mahalagang malaman ng publiko kung paano yumayaman o namumuhay ang mga nasa gobyerno bilang proteksyon laban sa korapsyon.

Sa bagong patakaran, puwede nang humiling ng kopya ng SALN para sa inspeksyon o reproduction, pero may mga limitasyon at privacy safeguards. Bawal ang paggamit para sa komersyal o ilegal na layunin, at ang bawat kopya ay may watermark at control number para sa accountability.


Kailangang magpakita ng dalawang valid ID, magbayad ng fee, at maghintay ng beripikasyon bago makuha ang dokumento.

Lahat ng SALN ay ise-save nang digital sa loob ng 20 taon. Puwede ring magsumite ng reklamo kung may ebidensiya ng yaman na hindi tugma sa kita maaaring magsagawa ng lifestyle check ang Ombudsman.


Kasabay nito, inihain ng Department of Justice (DOJ) sa Ombudsman ang mga dokumento para sa pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng DPWH Bulacan at pribadong kontratista na sangkot umano sa pekeng flood control projects.

Ayon kay Remulla, ilang kaso ay “open and shut” dahil malinaw na may perang nailabas pero walang proyektong natapos.


Sa gitna ng mga repormang ito, muling nanawagan si Rep. Mark Anthony Santos para sa agarang pagpasa ng Freedom of Information (FOI) Bill, na aniya’y magpapalakas sa karapatan ng mamamayan na managot ang mga lider ng gobyerno. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *