“Here I am, alive and well.”
Ito ang naging mensahe ni Senator Bato dela Rosa sa pagdiriwang ng kanyang 64th birthday nitong Miyerkules, January 21.
Muling nagparamdam sa social media ang senador, na hindi na sumipot sa mga sesyon sa Senado mula noong November 2025.
Sa inilabas na pahayag ni Dela Rosa, hangad umano niyang mahanap at makamit ang hustisya.
At kung mayroon mang kasong ihahain laban sa kanya sa mga korte sa bansa ay handa siyang harapin ang mga ito.
Ayon pa kay Dela Rosa, tila pambabalewala sa mga bayani at sundalo para makamit ang ating kalayaan kung siya ay magpapalitis sa International Criminal Court.
Sa kabila umano ng mga pambabatikos na kanyang natatanggap, nananatili siyang kalmado, matatag at may dignidad.
Matatandaang ibinunyag noon ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na may inisyu nang arrest warrant laban kay Dela Rosa mula sa ICC, kaugnay sa war on drugs noon ng Duterte administration, pero hanggang ngayon ay wala pa ring opisyal na dokumento kaugnay rito. | via Alegria Galimba
