Abby Binay: May sapat na pondo ang Makati para ayusin ang isyu sa subway project

Nagbabala si Mayor Nancy Binay na posibleng gumastos ng P8.96 bilyon ang lungsod ng Makati dahil sa isang “last-minute” settlement agreement na pinirmahan ng nakaraang administrasyong Abby Binay-Campos kaugnay sa kinanselang Makati City Subway Project. Kapag nabigyan ng desisyon ang kasunduan ng Singapore International Arbitration Center (SIAC), kailangan itong bayaran sa loob ng 90 araw o may parusang $30 milyon at interest.

Sagot ni Abby “Hindi krisis ang iniwan ko.” Aniya, halos P30 bilyon ang laman ng kaban ng Makati bago siya bumaba sa puwesto, dagdag pa ang consistent revenue growth at good audit record mula COA.
Depensa pa niya ang P8.96B na compromise ay mas maliit kaysa sa $1.7-bilyong arbitration claim na isinumite ng Philippine InfraDev Holdings (PhilDev) at base ito sa audit ng PwC.

Giit din ni Abby kung ayaw ng bagong administrasyon sa kasunduan, pwede nila itong ipabasura. Pero, handa ba silang akuin ang full responsibility? | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *