Personal na tinanggap ni dating Vice President at kasalukuyang Naga City Mayor Leni Robredo ang isang Patient Transport Vehicle na ipinagkaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Pinangunahan ni PCSO General Manager Mel Robles ang pormal na turnover ceremony nitong Huwebes.
Dahil sa bagong unit, inaasahang mas mapapahusay ang emergency response at medical transport services sa Naga City, lalo na para sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang pagbiyahe papunta sa ospital.
Ayon sa pamahalaang lungsod, malaking tulong ang PTV sa pagpapalakas ng kanilang healthcare support system. | via Allan Ortega
