PBBM, pinangunahan ang unang external security operations symposium

Higit 160 battalion commanders mula sa intelligence services at Philippine Army ang dumalo sa kauna-unahang external security operations symposium para paigtingin ang seguridad ng bansa.

Pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtitipon na layong pagbutihin ang koordinasyon at kahandaan ng mga matataas na opisyal ng militar bilang bahagi ng pagpapalakas ng external defense posture ng bansa.

Ayon sa Presidential Communications Office, binigyang-diin ni Marcos ang pangangailangang paghusayin ang seguridad at katatagan ng bansa sa gitna ng nagbabagong hamon sa loob at labas.

Sa mga nagdaang linggo, sunod-sunod ang pagbisita ng Pangulo sa iba’t ibang kampo militar bilang pagpapakita ng suporta at determinasyong paunlarin ang defense capabilities ng mga tropa. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *