Heat index sa Dagupan aabot sa danger level 42°C sa Miyerkules

Matinding init ang mararanasan sa Dagupan, Pangasinan ngayong Miyerkules, ayon sa Pagasa! Aabot sa 42°C ang heat index, pasok sa “danger” level na maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke!
Ilang lugar din sobrang init:
🔥 Metro Manila: Pasay (40°C), QC (39°C)
🔥 Ilocos & Cagayan Valley: Tuguegarao (39°C), Laoag (39°C)
🔥 Central Luzon: Iba, Zambales (41°C), Clark (39°C)
🔥 Calabarzon & Mimaropa: Sangley Point (40°C), Calapan (41°C)
🔥 Visayas & Mindanao: Iloilo (39°C), Davao (38°C), Cotabato (41°C)
Babala ng DOH: Uminom ng maraming tubig, iwasan ang tirik na araw (10 AM-4 PM), at magsuot ng preskong damit!
Protektahan ang sarili—bantayan ang heat index! – via Allan Ortega | Photo via Pixabay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *