Kanselado na ang passport ni dating Ako Bikol Party-list Zaldy Co.
Kinumpirma ito mismo ni Pangulong Bongbong Marcos nitong Miyerkules, December 10.
Dahil dito, inaasahang mas mapapadali ang pagtukoy sa kinaroroonan at pag-aresto kay Co, na hinihinalang nasa Portugal ngayon gamit ang Portuguese investor’s visa.
Inatasan din umano ng pangulo ang department of Foreign Affairs at Philippine National Police na makipag-ugnayan sa mga embahada upang matiyak na hindi na makakapagtago si Co.
Ang dating mambabatas ay sangkot umano sa malakihang korapsyon sa Department of Public Works and Highways at nagtungong abroad bago pa man pumutok ang iskandalo.
Habang dumarami ang testimonya laban sa kanya, naglabas si Co ng video statement kung saan inakusahan naman niya si Marcos at iba pa ng P100-bilyong insertion sa budget na agad namang itinanggi ng Malacañang.
Samantala, sa pagsuko ng kontrobersiyal na contractor na si Sarah Discaya sa National Bureau of Investigation (NBI), sinabi ni Marcos na patunay ito na gumagana ang sistema at tinutugunan ng gobyerno ang laban kontra korapsyon. | via Allan Ortega
