Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ngayong Oktubre 2025 kumpara sa nakaraang taon.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), 2.54 milyong Pilipino ngayon ang walang trabaho.
Naitala sa 5% ang unemployment rate, na mas mataas kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon na nasa 3.9%.
Mas mababa naman ito sa naitalang 5.3% o 2.59 milyong Pilipinong walang trabaho noong Hulyo 2025.
Samantala, nagkaroon naman ng bahagyang pagtaas sa bilang ng mga Pilipinong may trabaho nitong Oktubre 2025.
Ayon sa PSA, nakapagtala sila ng 95% o katumbas ng 48.62 milyong Pilipino ang may trabaho.
Habang nasa 94.7% o katumbas ng 46.05 milyong Pilipinong may trabaho ang naitala noong Hulyo 2025.
Ngunit mas mababa ito sa naitalang 96.1% o 48.16 milyong Pilipinong may trabaho noong Oktubre 2024.
Nagkaroon ng pagtaas ng bilang ng manggagawa sa sektor ng public administration and defense; compulsory social security, accommodation and food service activities, agriculture and forestry, manufacturing at fishing and aquaculture. | via Alegria Galimba
