PBBM sa Kongreso: I-prioritize ang Anti-Dynasty Bill at 3 pang panukalang batas

Hinimok ni Pangulong Bongbong Marcos ang Kongreso na gawing prayoridad ang pagpasa sa apat na panukalang batas, kabilang ang Anti-Dynasty Bill, na naglalayong isulong ang transparency, accountability, at political reforms.

Sa isang pagpupulong ngayong Martes ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC), sinabi ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na binigyang-diin ni Marcos ang agarang pagpapatupad sa apat na panukalang batas.

Ayon sa Malacañang, inatasan ng Pangulo ang Kamara at Senado na pag-aralan ang proposed bills na ito at ipasa sa lalong madaling panahon.

Dumalo sa pagpupulong sina Senate President Vicente Sotto III, House Speaker Faustino Bojie Dy, House Majority Leader Sandro Marcos, at iba pang mga lider ng Kongreso.

Naging bahagi din ng talakayan ang mga timeline para sa pagpasa ng General Appropriations Bill (GAB) at ang pagsusumite ng mga enrolled bill para sa lagda ng Pangulo. | via Andrea Matias

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *