Meralco, may bawas-singil sa kuryente ngayong Disyembre

Magpapatupad ng bawas-singil sa kuryente ang Meralco ngayong huling buwan ng taon.

Batay sa anunsyo ng Meralco, nasa P0.36 per kWh ang ibabawas sa singil sa kuryente.

Ibig sabihin, aabot sa P71 ang magiging bawas-singil sa electric bill ng isang bahay na kumokonsumo ng 200 kWh.

Ang pagbaba sa presyo ng dulot ng pagbaba sa generation at transmission charges. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *