Bong Revilla, posibleng mag-Pasko sa kulungan —Ombudsman

Maaaring mag-Pasko si dating Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa kulungan dahil sa napipintong pag-aresto rito next week, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla.

Aniya, tugon ito sa rekomendasyon ng tanggapan ng Independent Commission for Infrastructure o ICI na magsagawa ng case build-up kay Revilla bunsod ng pagkakasangkot sa maanomalyang flood control scam.

Sapat umano ang ebidensya laban sa dating senador makaraang iugnay nina dating Public Works Undersecretary Roberto Bernardo at Bulacan District Engineer Henry Alcantara sa flood control scandal.

Bagama’t hindi pa tiyak kung nasa anong stage na ang preliminary investigation hinggil dito, pinag-aaralan ng Office of the Ombudsman sa ngayon ang posibleng paghahain ng kasong malversation at plunder laban kay Revilla. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *