DOJ at DILG, wala pang natatanggap na arrest warrant kay Sen. Bato

Wala pang natatanggap ang Department of Justice (DOJ) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na opisyal na dokumento hinggil sa umano’y arrest warrant laban kay Sen. Bato dela Rosa mula sa International Criminal Court (ICC).

Matatandaang nag-post kamakailan si dating Presidential Spokesperson Harry Roque na nagsasabing inilabas na ang warrant of arrest ng senador.

Pinayuhan pa ito ni Roque sa nasabing post na huwag pakidnap at igiit ang karapatang litisin muna sa korte sa Pilipinas.

Samantala, ayon kay Prosecutor General Richard Fadullon, hindi pa nakukumpirma ang sinabi ni Roque habang nilinaw naman niyang tungkulin ng law enforcement at intelligence agencies ang pagsubaybay sa galaw ni Dela Rosa at hindi ang DOJ.

Dagdag pa rito, ani Palace Press Officer Atty. Claire Castro na hindi pa maberipika ng Malacañang ang umano’y warrant of arrest. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *