Isang sundalong Thai at apat na sibilyang Cambodian patay sa patuloy ng pag-igting ng hidwaan ng dalawang magkalapit bansa.
Nagpakawala ng airstrikes ang Thailand kahapon Martes matapos mamatay ang isa nilang sundalo sa lumalalang border fighting.
Kapwa sila nagtuturuan kung sino ang sumira sa ceasefire deal na pinirmahan nila noong Oktubre kung saan namagitan si US President Donald Trump.
Nagsimula ang bakbakan noong Hulyo kung saan 48 na ang namamatay habang 300,000 naman ang napilitang lumikas.
Matatandaang maging si Presidente Bongbong Marcos ay nagtangkang mamagitan sa tumitinding labanan.
