SC, ipinag-utos pagbabalik ng P60-B sobrang pondo ng PhilHealth

Iniutos ng Korte Suprema ang pagbabalik sa P60 bilyong sobrang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na inilipat sa national treasury sa pamamagitan ng 2026 General Appropriations Act (GAA).

Ayon kay SC Spokesperson Atty. Camille Ting, ipinagbawal din ang karagdagang paglilipat ng natitirang P29.9 bilyon.

Nagkaroon umano ng grave abuse of discretion at paglabag sa naging batayan sa 2024 General Appropriations Act ang ginawang paglilipat.

Aniya, unanimous ang desisyon at agad itong ipatutupad.

Kaugnay ito ng mga petisyong inihain nina dating Senator Koko Pimentel, Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares, Philippine Medical Association, 1SAMBAYAN Coalition, at iba pa.

Hiniling ng mga petitioner sa SC na harangin ang paglilipat ng sobrang pondo ng PhilHealth na nagkakahalaga ng P89.9 bilyon pabalik sa national treasury.

Matatandaang inutusan ang PhilHealth na ibalik ang sobrang pondo na P89.9 bilyon sa pambansang kaban ng bayan.

Noong nakaraang taon, nakapag-remit na ito ng P60 bilyon bago naglabas ang SC ng temporary restraining order upang pigilan ang paglilipat ng natitirang P29.9 bilyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *