Philippine ambassador kumpiyansa sa U.S. na mananatiling matatag ang ugnayan kahit sa panahon ni Trump

Tiwala si Philippine Ambassador Jose Manuel Romualdez na mananatiling matatag ang ugnayang militar ng Pilipinas at Estados Unidos kahit sa ilalim ng administrasyong Donald Trump.
Kasabay nito, kinikilala rin niya ang lumalalang tensyon sa pagitan ng US at Ukraine. Samantala, patuloy ang mainit na girian ng Pilipinas at China sa South China Sea.
Iginiit ni Romualdez na magpapatuloy ang suporta ng US, kabilang ang $336 milyon na ayuda sa kabila ng spending freeze. Dagdag pa niya, may $2.5 bilyong panukalang batas sa US Congress para sa depensa ng Pilipinas na may matibay na suporta mula sa parehong partido.
Plano rin ng Pilipinas na bumili ng likidong natural gas mula sa US bilang alternatibong enerhiya.
Tungkol naman sa giyera ng Ukraine at Russia, aminado si Romualdez na maaaring makaapekto ito sa rehiyon. Gayunpaman, tiniyak niyang hindi magbabago ang interes ng US at iba pang bansa sa pagpapanatili ng kalayaan sa South China Sea.
Samantala, lumalabas na nais ni Trump na pilitin ang Ukraine sa isang peace deal na pabor sa Russia, ngunit ayon kay Romualdez, dapat ay patas ang anumang kasunduan, lalo na para sa Ukraine bilang biktima ng giyera. – via Allan Ortega | Photo via al.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *