LTO chief binigyan hanggang Dec. 8 para ayusin ang mga pending na rehistro ng mga jeepney

Binigyan ni Transportation Secretary Giovanni Lopez si LTO chief Asec. Markus Lacanilao hanggang Dec. 8 para ayusin ang problema sa papeles ng rehistro ng mga jeepney para maiwasan ang matagal na delay.

Inutusan din niya itong tukuyin kung aling mga opisina ang nagpapabagal ng proseso, matapos ang reklamo ng transport groups.

Kailangang sundin ng traditional jeepneys ang updated requirements ng LTO at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bilang bahagi ng PUV Modernization Program.

Kasabay nito, sinabi ni Lopez na kausap niya si LTFRB Chairman Vigor Mendoza II para pag-aralan kung dapat pang i-extend ng anim na buwan ang provisional authority ng mga lumang jeep.

Pinaiimbestigahan din ni Lopez ang mga alegasyon ng payola o extortion ng ilang enforcer laban sa drivers. Kung totoo aniya ang mga akusasyon, papangalanan, kakasuhan, at tatanggalin sa serbisyo ang mga sangkot.

Inanunsyo ng transport group Manibela ang 3-day transport strike bilang protesta sa pagkaantala ng rehistro at umanoโ€™y pang-aabuso ng mga awtoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *