Marcos: Bucana Bridge sa Davao River na bubuksan sa Dec. 15 magpapaluwag ng trapiko

Bubuksan na sa trapiko sa December 15 ang Bucana Bridge na tumatawid sa Davao River, ayon yan mismo kay Pangulong Bongbong Marcos

Inanunsiyo niya ito habang iniinspeksiyon ang P3.1-bilion peso at 1.3-kilometer na proyekto na pinondohan sa ilalim ng Official Development Assistance (ODA) mula China.

Layunin ng bagong tulay na mapagaan ang matinding trapiko sa downtown Davao City at magbigay ng mas mabilis at mas ligtas na biyahe sa pagitan ng Barangay Bucana at Matina Aplaya.

Ayon kay Marcos, ang dating halos dalawang oras na biyahe ay magiging beinte minuto na lang at tamang-tama sa pagpasok ng kapaskuhan.

Dagdag pa niya, ang buong bypass ay nakatakdang matapos sa December 2027. Inaprubahan ang proyekto noong 2022 at nagsimula ang konstruksyon huling bahagi ng 2023.

Pinuri ni Marcos ang Chinese contractors dahil sa kanilang teknolohiya at bilis ng trabaho.

Isa lang umano ang Bucana Bridge sa apat na legacy projects na tatapusin sa Davao City at karatig-lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *